hi guys . I'm sad right now. alam niyo kung bakit? kasi nag.aaway-away na sila.
Nung Oct. 23,2011 pumunta kami sa Hagonoy,Davao del Sur kasi yung pera ng papa ng lola ko na hinihintay nila ay dumating na. Isang beterano kasi yung papa ng lola ko. So, syempre malaki yung pera na matatanggap nila pero ihahati pa yun kasi 12 silang magkakapatid. So, yun. Nagsimba pa kami nun. Happy pa kami nun kasi nga dumating na. Pero nung nag.usap-usap na sila about sa mga utang na babayaran nagkagulo na sila at nag aaway-away na. Nagsisigawan sila.
Bakit ba ganun? Everytime nalang na may pagtitipon-tipon na nangyayari, imbis na magdiwang at magsaya, NAG-AAWAY sila :( Kaming mga anak o mga bata ang naapektuhan. HAPPY NA SANA KAMI KASI MAGKIKITA-KITA NA NAMAN KAMI KASI MINSAN LANG KAMI NAGTITIPON-TIPON TAPOS MAG-AAWAY PA. :( Hindi ba nila alam na kung NASASAKTAN SILA MAS NASASAKTAN KAMI.! Mabuti pa noon, nung bata pa ako, wala gaanong mga away2x pero ngayon, tsk. NAKAKALUNGKOT talaga ba :( Gusto kong umiyak. Gusto ko silang kausapin pero, para sa kanila bata pa ako, hindi ko pa raw naiintindihan....
Well, siguro nga TAMA SILA pero sana pakinggan din nila kami. Ang aming mga hinanaing. :( Kung hindi sila nagkakaintindihan, bakit ba sila nagsisigawan? pwede naman nilang idaan sa MABUTING USAPAN. :( pero sa tingin ko nang dahil rin yan sa PRIDE NILA. Naiisip ko nga, PERA LANG, NAG-AAWAY NA.
Minsan natatanong ko, BAKIT PA KASI NAIMBENTO ANG PERA? nang dahil diyan maraming pamilya ang nag-aaway-away pero hindi nila alam na MAS MAHALAGA PA ANG PAMILYA KAYSA SA PERA! bakit ba nila hinahayaan na mawasak ang kanilang PAMILYA ng dahil lang sa PERA?
tsk.tsk.tsk. PINAPANGAKO KO TALAGA NA PAG AKO'y may PAMILYA NA HINDI KO HAHAYAAN NA MAG-AAWAY.AWAY kami ng dahil lang sa PERA.
Kung NAMOMROBLEMA sila kung pano babayaran ang utang, pwede naman nilang pag-usapan iyon ng maayos. hindi yang nag-aaway sila ! PARANG MAS BATA PA SILA KAYSA SA AMIN KUNG MAG-ISIP! hay naku.
Tapos ngayon, MAY AWAY NA NADAGDAG NA NAMAN. yung tito ko na naman NAGALIT sa amin kasi nga nung time na nagtitipon kami sa Hagonoy, hindi raw namin sinabihan si tita na pumunta doon. Eh, sabi naman ng mother ko, wala kaming number nila kaya hindi natextsan.
AYOKO TALAGA NG AWAY BA. LET THERE BE PEACE PLEASE. Hindi ba nila alam na kung mag.aaway-away sila, maaaring MADAMAY KAMI. eh ayokong MAG-AWAY KAMI NG MGA COUZ KO, CLOSE KAYA KAMI.. AYOKONG MASIRA ANG MAGANDANG PAGSASAMAHAN NAMIN... AYOKO TALAGA !
Mabuti pa talaga noon, HAPPY PA. Naaalala ko pa noon, tuwing christmas, pumupunta sila sa bahay namin tapos ang saya saya namin tapos ngayon, BAKIT GANUN? SANA MAIBALIK YUNG DATI...
YUNG MASAYA PA KAMI... YUNG WALA PANG MGA AWAY2X :(
-k2i6e6.kaimen-
No comments:
Post a Comment